top of page

Puno's Ice Cream and Sherbet

  • Oct 19, 2017
  • 2 min read

Tuwing tag-init, karaniwang hinahanap ng mga tao ay ang mga malalamig na pagkain gaya ng halo-halo, banana kon'yelo at ice cream. Ngunit iba ako sa kanila, dahil kahit taglamig ang panahon, ice cream ang lagi kong hanap hanap. Sa dinami dami ng ice cream na natikman ko gaya ng selecta, cornetto, magnolia at kung ano ano pang tatak ng ice cream, isa lang ang binabalik-balikan kong kainin, ito ay ang Puno's Ice Cream and Sherbets. Hindi ko alam kung bakit yun ang lagi kong kinakain tuwing nanunuyo ang lalamunan ko, hahaha. Iba ang tamis niya sa mga ibang ice cream, dito ko lang nalasahan ang pinakamasarap na cookies and cream na flavor. By the way, yun ang paborito kong flavor. Maraming flavor ang Puno's, halos lahat natikman ko na gaya salad, chocolate, cashew, at maging ang salad na flavor. Available din ito sa 1 gallon, half gallon, liter, pint at cup sizes. Iba ang pagka-creamy niya sa ibang brand ng ice cream, talagang kahit hindi na malamig o nalusaw na ay masarap pa din. Talagang bibilib ka sa gumawa ng recipe ng mga ice cream na to.

Minsan nga habang kasama ko yung mga kaklase ko, sabi ko sa kanila bibili lang ako ng ice cream tas tinanong nila kung anong ice cream ang bibilin ko, nung sinabi kong sa Puno's ako bibili agad silang sumama sakin. Alam din pala nila na napakasarap ng ice cream don at hindi lang yon, affordable pa. Hindi siya yung kagaya ng ibang ice cream na masarap nga, mahal naman, eto masarap na, mura pa, busog ka pa. San ka pa? Hahaha. Ngayon, alam ko madami na silang branch sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Patunay lang ito na talagang pag masarap at affordable ang isang bagay ay talagang papatok sa mga tao at sa tingin ko kaya din nito na makipagsabayan sa mga masasarap na ice cream sa iba't ibang sulok ng mundo. Hahaha. Miski si Ms. Kris Aquino ay natikman na din ang sarap ng Ice cream na to sa cabanatuan at alam ko dun din ito galing. Talagang pag gawang Novo Ecijano talaga ay talagang magugustuhan ng mga tao.

Kung gusto niyo ding i-try ang Ice cream na to, magtanong tanong lang kayo sa paligid niyo at siguradong ituturo sa inyo kung saan kayo makakabili nito at sinisigurado ko din sa inyo na hindi masasayang ang pera niyo at kayo ay paniguradong masasarapan at magiginhawahan pagkakain niyo nito. Sa tingin ko, dito na nagtatapos ang blog na ito, see you again in my next food blog. Hahaha. :)


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by Name of Site. Proudly created with Wix.com

bottom of page