top of page

Bukas.

  • Oct 14, 2017
  • 2 min read

Sa pagtigil ng oras, pinagmasdan ko ang babaeng nag-iisa, lungkot ay namumutawi sa kanyang mga mata hindi na mabilang ang mga luhang umagos. Sa paglabas ng silid na tila kulungan ng pait at pighati, isang dalaga ang nakangiting humarap para sa lahat. Pinapakitang siya ay masaya, kinukubli ang tunay na nadarama. Naka kurba man ang labi’y bakas pa rin ang itinatagong lungkot sa kaniyang mata.

Ang tanong sa sarili, Ano ba ang dapat gawin? Gulong gulo ang isipan, sino o ano ba sa dalawa? Pag-uwi sa tahanan, napaulanan ng mga salitang nagsisilbing payo nang kaniyang magulang na iniisip lamang ang kinabukasan ng kanilang mahal na anak , tila humahadlang sa kanyang mumunting kasiyahan bilang isang dalaga. Piniling tahimik at nakayukong nagtungo sa silid nang biglang tumunog ang kanyang teleponong selular, isang mensahe ang kanyang natanggap sa binatang kanyang minamahal.

Pinag bawalan ma’y sige pa din ang dalagang sa pag punta sa kasintahan. Pag dating sa tagpuan, isang pag anyaya ang kaniyang natanggap, dahil sa bugso ng damdamin nakarating sila sa isang lugar, sa isang kwarto. Sa pagbukas ng pinto napa atras ang dalaga habang nadarama ang lamig na nagmumula sa kwarto. Tumigil at napa-isip, isa iytong kamalian. Pilit kinumbinsi ng binata ang kanyang kasintahan, pinangakong sila’y magpapakasal. Ngunit buo na ang desisyon ng dalaga.

Nagpalitan ng salita, na humantong sa pag sasabi ng katotohanan. Isa lamang siya sa babaeng pinag lalaruan ng binata. Matagal na itong alam ng dalaga ngunit dahil sa pag-ibig ay nag bulag-bulagan siya sa pag- aakalang masusuklian ang kanyang pagmamahal. Natapos ang argumento sa isang hiwalayan. Umuwi sa kanilang tahanan ang dalagang nanlulumo dahil sa sakin na idinulot ng lalaking hindi makuntento sa isa.

Buong gabing gising, iniyak niya ang lahat ng dapat iiyak. Ngunit sa pag pasok sa paaralan, mga matang mapang husga at nanunuya ang dumapo sa kanya. Kalat sa buong klase ang kasinungalingan na may nangyari sa kanila ng binata. Dahil sa litrato nilang papasok sa lugar na iyon.

Lumipas ang mga araw, lumiliban na ang dalaga sa pag pasok sa paaralan, nabura man ang isyu subalit nagbago na ang dalaga. Marahil napabago siya ng sakit na dulit ng mapait na karanasan. Naligaw ng landas ang dalaga, damo at pinag halo-halong kemikal ang kinapitan, upang panandaliang makaranas ng kasiyahan.

Isang sesyon na naman, nang nakita ng ina ang kanyang mahal na anak, halo-halong emosyon ang naramdaman. Galit man sa nagawa ng anak ay lungkot at awa pa rin ang namutawi dahil sa pagiging isang ina. Nagkasagutan ma’y sa huli nag-sisi rin ang dalaga, niyakap ang kanyang ina kasunod ng pag dating ng ama.

Nag-sisisi at napagtanto ang napakalaking maling desisyon sa kanyang buhay. Pumasok sa rehabilitasyon na naging malaking tulong sa kanyang bumangon sa pagkaka lugmok. Bumalik ang tunay na ngiti sa kanyang mga labi at nag simula ulit siyang tumawa.

Nakalabas na ang dalaga at ipinag papatuloy ang pangarap. Napangiti ako sa pag tatapos ng pag alala sa nakaraan, nagpatuloy na rin sa pag takbo ang oras. Tumayo ako at tumakbo papalapit sa aking mga magulang na gumabay sa aking pagbabagong buhay. Tapos na ang madilim na yugto ng aking buhay na isa nang inspirasyon upang maging matatag sa darating na bukas.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by Name of Site. Proudly created with Wix.com

bottom of page